Sino si Leonor Rivera?

Katanungan

sino si leonor rivera?

Sagot verified answer sagot

Si Leonor Rivera ay ang pinagbatayan ni Rizal ng karakter ni Maria Clara sa kanyang nobela. Si Leonor Rivera ay kabilang sa mga naging pag-ibig ng pambansang bayani ng bansang Pilipinas na si Jose Rizal na buhat pa sa bayan ng Camiling sa lalawigan ng Tarlac.

Ang kanilang pagtitinginan ay pinaniniwalaang umabot ng labing-isang taon kung kaya ito ang maituturing na pinakatumatak na pag-ibig niya.

Ayon sa mga tala, si Leonor Rivera ay nagtataglay ng angking kagandahan at katangian kung kaya alinsunod sa kanyang katauhan ang bantog na karakter sa mga nobela ni Rizal na pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na si Maria Clara.