Sino si Malala Yousafzai?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sino si malala yousafzai?

Sagot verified answer sagot

Si Malala Yousafzai ay ang aktibista na nagsulong na ilaban ang karapatan ng mga kababaihan sa lipunan partikular na ang karapatan ng mga ito upang makapag-aral.

Siya ay isinilang noong ika 12 ng Hulyo taong 1997 sa Pakistan partikular na sa Mingora. Ang lugar na kanyang kinalakihan ay isang lugar na popular sa mga turista subalit nagbago ito ng kontrolin ng mga Taliban ang kanilang lugar.

Ito rin ang pagsisimula ng kanyang pagsulong para sa karapatan ng mga kababaihan. Subalit, dahil sa pagsusulong ito, ay binaril siya ng isang Taliban ng pauwi siya galing sa paaralan sapagkat taliwas ang nais nito sa isinusulong ni Malala.