Katanungan
sino si miguel lopez de legazpi?
Sagot
Si Miguel Lopez de Legazpi ay ang ikalawang namuno sa ekspedisyon patungong Pilipinas matapos hindi magtagumpay ni Ferdinand Magellan.
Noong ika-21 ng Nobyembre taong 1564 kasama ng limang barko na may tinatayang bilang ng limang daang Espanyol na sundalo ang naglayag mula pa sa Barra de Natividad, Nueva España na sa kasalukuyan ay kilala bilang Mexico.
Nilalayon ng paglalayag na ito na sakupin ang kapuluan ng Pilipinas upang maipalaganap ang Kristiyanismo sa mga katutubo at gawing kolonya ng bansang Espanya ang Pilipinas.
Kabilang sa mga nakasama sa paglalayag na ito ang mga prayleng Agustiniano na silang magsisilbing mga paring misyonero sa bansa.