Katanungan
sino si nicholas gregory mankiw?
Sagot 
Si Nicholas Gregory Mankiw ay isang micro economist na mula sa Amerika. Siya ay nagsulat ng aklat na pinamagatang “Principles of Economics” kung saan niya ipinaliwanag ang principle na ang pamahalan daw ay maaaring mapaunlad ang market outcome.
Ayon din sa kaniya, bagaman at ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya, may mga pagkakataong nahaharap ito sa pagkabigo o tinatawag na market failure sa English.
Ayon din sa kaniya, sa ganitong pagkakataon daw ay kinakailangan ang pakikialam o intervention o sa madaling sabi ay panghihimasok ng pamahalaan sa takbo ng pamilihan. Kaya naman nasabi niya ang pamahalaan ay maaaring makapagpaunlad ng market outcome ng isang bansa.