Sino si Sharif Kabungsuan?

Katanungan Sagot

Katanungan

sino si sharif kabungsuan?

Sagot verified answer sagot

Si Sharif Kabungsuan ang unang nagtatag ng Sultanato ng Maguindanao.

Siya ay mula sa Johor na napadpad sa Pilipinas noong 1475 sa lambak ng Cotabato. Isa siya sa mga nagpalaganap ng relihiyong Islam sa Pilipinas.

Ikinasal si Sharif Kabungsuan sa isang prinsesa na nagngangalang Potri Tunina at nakapagtatag ng kauna-unahang sultano sa Maguindanao.

Dahil rito silang magkabiyak ang itinuturing na pinakaunang sultan at sultana ng Maguindanao. Pinaniniwalaang siya ay naghari sa Maguindanao mula taong 1520 hanggang 1543.

At ang sentro ng kanyang kasultanuan ay nakatuon sa Cotabato. Matapos ng kanyang pagkamatay noong taong 1543, siya ay pinalitan ni Sultan Maka-alang Saripada bilang bagong sultan ng Maguindanao.