Sino sino si labaw donggon at saragnayan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

sino sino si labaw donggon at saragnayan?

Sagot verified answer sagot

Sa epikong Bisaya na pinamagatang Hinilawod ay ipinakilala ang mga tauhan na sina Labaw Donggon at Saragnayan. Si Labaw Donggon ang pangunahing tauhan sa epiko.

Inilalarawan siya bilang isang makisig at malakas na lalaki. Siya ay isa sa mga anak nina Anggoy Alunsina at Buyung Pabauri. Nang siya ay lumaki, umibig siya sa pinakamagandang dalaga sa kanilang lupain.

Sa kabilang banda naman, si Saragnayan ang itinuturing na diyos ng kadiliman. Siya ay nakalaban ni Labaw Donggon.

Ang kanilang paglalaban ay bunga ng kagustuhan ni Labaw Donggon na mapangasawa ang kinakasama ni Saragnayan. Ilang taon rin nagtagal ang kanilang digmaan pero sa kalaunan ay si Saragnayan ang nagwagi.