Katanungan
sinong dalubwika ang nagsabi na ang wika ay may limang kalikasan?
Sagot
Ang dalubwikang nagsabi na ang wika ay may limang kalikasan ay si Henry Gleason Jr. Siya ay isang linggwistikong Amerikano na nagsabi na ang wika ay maituturing na isang arbitraryo dahil iba-iba ang sistemang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ayon sa kanya may limang kalikasan ang wika. Ito ay ang masistemang balangkas na tumutukoy sa sistema o tuntunin na pinahahalagahan sa paggamit ng wika;
sinasalitang tunog na naglalarawan sa wika bilang isang tunog na siyang kumakatawan sa mga mensaheng nais ipabatid; arbitraryo o nararapat na ang wika ay pinagkakasunduan; pantao o kasangkapan ng isang indibidwal upang makipag-ugnayan sa kapwa; at bahagi ng kultura na siyang tumutukoy sa wika bilang isang kabang kolektibo ng kasaysayan.