Sinong G ang asawa ni Andres Bonifacio at tagapag-ingat ng mga kasulatan at dokumento ng katipunan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sinong g ang asawa ni andres bonifacio at tagapag-ingat ng mga kasulatan at dokumento ng katipunan?

Sagot verified answer sagot

Si Gregoria De Jesus ang asawa ni Andres Bonifacio at tagapag-ingat ng mga kasulatan at dokumento ng katipunan.

Si Gregoria De Jesus o mas kilala sa tawag na Oryang ang siyang itinalagang lakambini ng katipunan na kalaunan ay tinawag na “Ina ng Katipunan”.

Siya ay naging kabiyak ni Supremo Andres Bonifacio. Ang mahalagang gampanin na kanyang ginawa para sa katipunan ay ang pag-iingat ng mga kasulatan at dokumentong higit na mahalaga sa mga katipunero.

Nang madakip at mapatay ang kanyang asawa ay hindi ito batid ng kanyang isipan, ngunit ng malaman niya ito ay buong loob niyang hinanap ang himlayan ng asawa. Sa kasawiang palad, ito ay hindi niya natagpuan.