Sinong L ang tinaguriang unang bayaning Pilipino?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sinong L ang tinaguriang unang bayaning Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Si Lapu Lapu ang tinaguriang unang bayaning Pilipino. Si Lapu Lapu ay ang Datu ng Mactan na matatagpuan sa Cebu.

Nakilala siya ng mga Pilipino sa kasaysayan dahil sa kanyang pakikipaglaban sa mga taga-Europa na kung saan natalo niya sa labanan at napaslang si Ferdinand Magellan na pinuno ng mga manlalayag na mula sa Espanya.

Dahil sa pagkakapanalong ito matapos ipaglaban ang mga Pilipino, siya ay kinilala sa kasaysayan bilang unang Pilipinong bayani.

Bukod sa pangalang Lapu Lapu siya rin ay tinatawag na Calipulaco at Salip Pulaka. Siya ay kinilala ng mga Pilipino bilang isang pinunong mayroong paninindigan matapos niyang hindi tanggapin ang pang-aakit ng mga dayuhan.