Katanungan
sistema ng pagsulat sa kabihasnang shang?
Sagot
Ang sistema ng pagsulat sa kabihasnang Shang ay tinatawag na calligraphy. Ang kabihasnang Shang ay ang tinaguriang ikalawang dinastiyang namamana na umusbong sa Yellow River o Huang Ho.
Ang kinikilalang tagapagtatag nito ay si Tang na siyang nagpakita ng tamang pagtrato sa mga mamamayan sa tulong ng matatalino at magagaling na mga ministro.
Kinilala ang progreso ng dinastiyang ito sa larangan ng ekonomiya, kultura, politika, at teknolohiya.
Kabilang din sa mga nakilalang pinuno ng dinastiya si Haring Pangeng na nagtayo naman ng kabisera nito sa Yin na matatagpuan sa Henan partikular na sa lungsod ng Anyang na naging dahilan upang bansagan din itong Dinastiyang Yin-Shang.