Katanungan
sistema ng pamumuhunan ng salapi upang magkaroon ng tubo o interes?
Sagot 
Kapitalismo, o sa wikang Ingles ay capitalism, ang taguri sa sistema ng pamumuhunan ng salapi upang magkaroon ng tubo o interes.
Sa ekonomiyang aspeto, inilalarawan ang kapitalismo bilang mga produkto at serbisyo kung saan ang mga nagmamay-ari ay mga pribadong indibidwal.
Matindi ang kompetisyon sa pamilihan kaya naman ang mga kapitalista— tawag sa mga sumusunod sa sistemang kapitalismo – ay nagbibigay ng pansin at importansya sa tubo o interes na makukuha nila sa mga produkto o serbisyong kanilang iaalok sa mga mamimili.
Karamihan sa mga negosyo ngayon ay sumasailalim na sa sistema ng kapitalismo, tulad ng mga sabon, pagkain, mga damit, at marami pang iba.