Sitwasyong nagpapatunay may paggalang sa karapatan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sitwasyong nagpapatunay may paggalang sa karapatan?

Sagot verified answer sagot

Ang karapatan ay tumutukoy sa kalayaan na ipinagkaloob sa kahit sinuman na sumisiguro rin na sila ay protektado sa ilalim ng mga alituntunin ng estado. Ang bawat tao ay may karapatan at tinatawag itong karapatang pantao.

Halimbawa ng sitwasyon na nagpapakita na may paggalang sa karapatang pantao ay magsimula tayo sa pinakasimple. Ang bawat tao ay isa ring konsyumer o mamimili. Sila ay may karapatang pumili sa merkado kung anong produkto o tatak ang kanilang tatangkilikin.

Ang bawat tao rin ay may karapatan o kakayahang tumanggap at maging tumanggi sa kahit anumang produkto o serbisyo. Pinapakita na ginagalang ang kanilang karapatang pantao kung walang sapilitan na nagaganap.