Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent?

Katanungan

Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang supercontinent?

Sagot verified answer sagot

Ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang supercontinent ay si Alfred Wegener.

Si Alfred Lothar Wegener ay isang mananaliksik na Aleman na ipinganak noong ika-1 ng Nobyembre taong 1880 at binawian ng buhay noong ika-2 ng Nobyembre taong 1930.

Siya rin ay nakilala bilang meteorologo at geopisiko. Siya ay nakilala sa kanyang pag-aral na kung saan ayon sa kanyang teorya, ang kalupaan ng daigdig ay nagmula pa sa masang lupa na kung tawagin ay Pangea.

Kabilang din sa mga kilalang saliksik niya ang teorya patungkol sa pag-anod ng lupalop o sa ingles ay continental drift.