Siya ang pumipili ng mga kalihim ng mga kawanihan ng pamahalaan?

Katanungan

siya ang pumipili ng mga kalihim ng mga kawanihan ng pamahalaan?

Sagot verified answer sagot

ang pumipili ng mga kalihim ng mga kawanihan ng pamahalaan ay ang pangulo. Ang pangulo ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan partikular na sa bansang Pilipinas.

Siya ay niluluklok sa pamamaraang demokrasya na kung saan ang mga mamamayang Pilipino ay binibigyan ng kalayaan na makapamili ng kandidatong kanilang napupusuan para iluklok sa nasabing posisyon.

Sa kasalukuyang panahon, ang ika-labing anim na pangulo ng bansang Pilipinas ay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kauna-unahang pangulo mula sa Mindanao.

Siya rin ang pinakamatandang pangulo na naluklok sa kasaysayan ng naabing bansa. Mula sa pagkakaluklok, siya ang may kapangyarihan na pangasiwaan ang kabuuan ng bansa gayundin ang pagpili at pagtalaga sa mga magiging kalihim ng iba’t ibang kawanihan ng gobyerno.