Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan na naitala

Katanungan Sagot

Katanungan

Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan na naitala

Sagot verified answer sagot

Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng lipunan na naitalaPamilya – ang pamilya ang sinasabing pundasyon ng lipunan. Ang pamilya kasi ang bumubuo at humuhubog sa pagkakakilanlan ng isang tao. Sa pagmamahal ng pamilya at sa pagkalingang ibinibigay sa mga ito, nahuhubog ang magandang asal at pakikitao ng mga ito. Maging ang kaniyang personalidad at emosyon ay nahububog din.

Paaralan – ang paaralan naman ang sinasabing pundasyon ng kaalaman. Sa mga paaralan nagkakaroon ng impormasyon at kasanayan ang mga mamamayan na kailangan upang mapaunlad naman ang lipunan.

Simbahan – ang simbahan naman ang sinasabing pundasyon ng moralidad ng lipunan. Ang simbahan ang inaasahang humubog sa moralidad at pagpapahalaga ng mga bahagi ng lipunan upang maipakalat ang kabutihang panlahat.