Sumulat ng maikling reaksyon tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

sumulat ng maikling reaksyon tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa?

Sagot verified answer sagot

Ang aking reaksyon patungkol sa wikang pambansa ay umuunlad siya, ngunit ngayon ay halatang hindi na masyado pinahahalagahan ng ahensya ng gobyerno dahil tinatanggal na nila ang asignaturang Filipino sa mga eskwelahan dahil sinasabi nila na paulit-ulit na lang ito itinuturo sa mga mag-aaral, pero kung tutuusin ay napakahirap ituro ng asignaturang Filipino at hindi naman lahat ay mahusay na rito.

Mapapansin ang mga impormal na salita sa mga pang akademikong gawain na hindi naman dapat ilagay minsan ng mga mag-aaral kaya nakikita na hindi masyado naituturo nang maayos ang asignatura kaya nakakapanlumo na sariling wika ay hindi mapahalagahan at matutunan nang buo ng mga kabataan.