Sumulat ng talata kung bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

Sumulat ng talata kung bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati?

Sagot verified answer sagot

Sa pagbuo o paggawa ng isang talumpati, ang manunulat at dapat na palabasa o mahilig magbasa at magsaliksik upang sa gayon ay makabuo siya ng talumpating naaangkop sa paksang kanyang napili.

Ang pagbabasa ay nakatutulong sa isang magsusulat ng talumpati sa pagpapalawak nito ng kaalaman ukol sa tamang proseso ng pagsulat at pagbigkas ng talumpati.

Sa kabilang banda naman, ang pananaliksik ay tumutulong sa may akda upang makalap o mahanap ang mga tiyak at tunay na impormasyon hinggil sa paksa ng talumpating kanyang bubuuin o susulatin.

Mahalaga ang mga bagay na ito sapagkat mas naihahayag ng nagsulat ang kanyang saloobin o ideya gamit ang tama at tiyak na pamamaraan kalakip ang tunay na impormasyon.