Sundiata (Buod)

Dumalaw kay haring Nare Maghaan Konate ang isang manghuhula at sinabing magkakaanak siya sa isang pangit na babae ng isang mahusay na madirigma.

Kaya naman kahit may asawa ang hari na si Sassouma Berete, ay pinakasalan pa rin niya ang isang kubang babae.

Nagkaanak na sila at tinawag na Sundiata Keita. Namana nito ang hitsura ng ina na si Sogolon. Hindi rin siya malakas at hindi nakalalakad nang maayos.

Nang pumanaw si Haring Konate, ang nagmana ng kanyang trono ay ang anak kay Sassouma na si Dankaran Toumani.

Inapi nila ang mag-ina at nang minsang apihin siya, aksidente niyang natuklasan ang isang mahiwagang tungkod na ginawang normal ang kaniyang lakas at paglakad.

Pinatapon ang mag-ina sa kaharian ng Mema. Dito ay naging isang mahusay na mandirigma si Sundiata. Samantala, ang kaharian ng ama niya ay sinalakay ng mga mananakop. Humingi ng tulong ang noon ay nang-aalipusta sa kanilang kapatid at ang reyna.

Hindi nag-atubiling tumulong si Sundiata at dahil sa angking husay sa pakikipaglaban ay napuksa niya ang mga mananakop. Dahil dito, siya na rin ang namuno sa kahirian ng Mandinka, kasama ng Mema.

Tinawag itong imperyo ng Mali at si Sundiata ang pinakaunang pinuno ng imperyong Mali at isa sa pinakamahuhusay na mandirigma sa kanilang kasaysayan.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Sundiata. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!