Tahanan Ng Isang Sugarol (Buod)

Ito ay kuwento ng isang pamilya na ang ama ay isang sugarol. Ang amang ito ay si Li Hua na walang ginawa ay pagsusugal lang.

Nagdadalang tao naman ang kaniyang asawa na si Lian Chiao. Mayroon silang dalawang anak na sina Ah Yueh at Shao Lan.

Madalas na makita si Li Hua sa sugalan na ang pangalan ay Hsiang Chi Coffee Shop. Literal na umuuwi na lamang si Li Hua upang maligo at magpahinga. Kahit buntis ang kaniyang asawa ay wala pa rin itong patid sa paggawa ng mga gawaing bahay.

Pati ang pagpapaligo sa kaniyang sugarol na asawa ay siya pa ang gumagawa. Ang masaklap pa rito ay pinagbubuhatan siya ng kamay ng asawa. Sa bawat pagkakamali niya ay bugbog ang inaabot niya rito.

Isang gabi, naramdaman ni Lian Chiao na sumasakit na ang kaniyang tiyan. Batid niyang manganganak na siya. Di niya ginising ang mga anak na pagod sa trabaho. Pinuntahan niya ang asawa sa sugalan kahit malalim na ang gabi.

Sinuong niya ang mahamog at mapanganib na daan. Nang marating ang sugalan, nahimatay na si Lian Chiao. Hindi pa rin siya inintindi ng asawa dahil nananalo na raw siya sa sugal. Ang may-ari na lamang ng sugalan ang nagdala kay Lian Chiao sa ospital.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Tahanan Ng Isang Sugarol. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!