Talakayin ang paksang tumutukoy sa mitong binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya?

Katanungan

talakayin ang paksang tumutukoy sa mitong binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya?

Sagot verified answer sagot

Sa Alamat ni Tungkung Langit at Alunsina o mas kilala sa Alamat ng Ulan ay kinapapaloobang ng mga karakter na sina Tungkung Langit o ang kinikilalang unang lalaki sa mundo na naging kabiyak ni Alunsina.

Siya ay gumagawa ng mga mabibigat na trabaho at kinikilalang mapagmahal at masipag. Samantala, si Alunsina naman ay ang unang babae sa mundo na maybahay ni Tungkung Langit na inilarawan bilang tamad, selosa, at makasarili. Siya ay kadalsang naiiwan sa tahanan.

Ang tagpuan ng nasabing alamat ay ang daigdig. Sa usaping kapana-panabik na pangyayari, ang galit na Tungkung Langit sa kanyang asawa dahil sa pagsunod nito sa kanyang paglalakbay na naging sanhi upang ipagtabuyan at paalisin ito na kalaunan ay kanyang napagtanto subalit huli na ang lahat.

Sa huli, ang aral na mapupulot sa alamat ay ang pagpapahalaga sa kapwa ay isang bagay na dapat pagyamanin upang mapanatili ang malusog na ugnayan.