Isinilang si Maria Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino noong Enero 25, 1933 sa Tarlac. Ang mga magulang niya ay sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral si Cory sa United States at nagkaroon ng degree sa Mathematics at Wikang French.
Nang makabalik sa Pilipinas, mag-aaral sana ng abugasya si Cory ngunit naka-isang taon lamang siya rito. Ikinasal sila ng noon ay senador na si Benigno ‘Ninoy’ Aquino.
Parehong mula sa mga pamilya ng politiko ang angkan nina Cory at Ninoy. Nagkaroon sila ng limang anak.
Sa buong karera ng kaniyang asawang si Ninoy, mas pinili ni Cory na maging maybahay ng kanilang limang anak.
Si Ninoy ang sinasabing pinakamalakas na kandidato kontra sa pangulo noong si Ferdinand Marcos na nakadalawang termino na.
Dahil dito, nagdeklara si Marcos ng Martial Law upang mapangalagaan ang kaniyang pagkapangulo. Ipinabilanggo si Ninoy ni Marcos at hinatulan ng kamatayan dahil sa pagtuligsa nito sa kaniyang pamahalaan.
Noong 1980, pinahintulutang makapagpagamot si Ninoy sa Estados Unidos kung saan kasama niya ang kaniyang pamilya. Pinaslang naman si Ninoy pagbalik niya sa Maynila.
Dahil dito, sumiklab ang People Power Revolution sa EDSA na naging dahilan upang maluklok si Cory bilang unang babaeng pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Pumanaw si Cory noong Agosto 2009 dahil sa sakit na colon cancer.