Isinilang ang makatang si Francisco “Baltazar” Balagtas noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (Balagtas), Bulacan.
Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong siya ay nasa edad na upang mag-aral, ipinadala siya ng ina sa isang kamag-anak sa Tondo, Maynila.
Nakapag-aral si Balagtas sa Colegio de San Jose at Colegio de San Juan de Letran. Naging sikat si Balagtas dahil sa kaniyang akdang Florante at Laura na kaniyang isinulat dahil sa kabiguan sa pag-ibig.
Minahal niya ang dalagang si Maria Asuncion Rivera na mula sa Pandacan. Nakulong si Balagtas sa di malamang dahilan. At nang makalaya ay dito niya isinulat ang kaniyang klasikong akadang Florante at Laura.
Ito rin ang panahon na mula sa Maynila ay ipinasiya ni Balagtas na lumipat sa Udyong (Orion), Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na naging kabiyak niya. Mula sa isang marangyang pamilya si Juana.
Nagkaroon sila ng 11 anak. Nakulong si Balagtas dahil sa isang akusasyong ginupitan niya raw ng buhok ang isang katulong. Dahil dito ay bumagsak ang pamumuhay nina Balagtas.
Habang nakapiit, ginugol ni Balagtas ang oras sa pagsusulat. Nakapagsulat siya ng mga akdang komedya na itinanghal naman sa Teatro de Tondo. Pumanaw si Balagtas noong Pebrero 20, 1862.