Talambuhay Ni Jose Rizal

Isang daan at pitumpu’t pitong na taon na ang nakakalipas nang ipanganak si Jose Protacio Rizal y Alonso Realonda noong Hunyo 19, 1861. Ang ating pambansang bayani ay isinilang sa bayan ng Calamba, probinsiya ng Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

Ang angkan ng ama ni Rizal ay kabilang sa henerasyon ni Domingo Lam-co. Isang mangangalakal na Tsino na napadpad sa Pilipinas. Dahil na rin sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria noong 1849, sila ay nagpalit ng apelyido at Mercado ang kanilang ginamit.

Ang Pamilya Ni Rizal

Mercado ang piniling apelyido ng pamilya ni Jose Rizal sapagkat ito ay sumasakahulugan sa salitang mangangalakal. Ito ay sumisimbulo sa kanilang angkan at pagkatao bilang mga negosyanteng Tsino.

Ika-pito sa labing-isa na magkakapatid si Rizal. Siya ay may siyam na kapatid na babae. Ang kanilang mga pangalan ay Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad, at Soledad. Mayroon din siyang nag-iisang lalaking kapatid na nag-ngangalang Paciano. Pepe ang tawag sa kanya ng kaniyang mga pamilya.

Pagsasaka ang pangunahing pangkabuhayan ng kaniyang mga magulang. Sila ay nabibilang sa mga prominenteng pamilya sa kanilang lugar dahil sila ay mayroong sariling hacienda na sinasaka at pinag-aalagaan ng mga hayop.

Mga Unang Kabanata ng Buhay ni Rizal

Sa murang edad ay marami ng natutunan ang ating pambansang bayani mula sa kanyang ina. Siyam na taon siya noong siya ay pormal na pumasok sa paaralan sa Calamba. Dahil alam na niya ang mga tinuturo ng kanyang mga guro, siya ay inilipat sa Maynila upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Jose Rizal ay nag-aral sa mga prominenting unibersidad sa Maynila. Kabilang na dito ay ang Unibesidad ng Santo Tomas kung saan siya ay nag-aral ng Pilosopiya at sa Ateneo de Manila upang mag-aral ng medisina. Dahil sa pagkakaroon ng diskriminasyon ng mga Dominikong pari sa mga nasabing unibersidad, sa Madrid, Espanya na niya tinapos ang kanyang kurso.

Nagpakadalubhasa si Rizal sa pagiging doktor ng mga mata, ang Optalmolohiya. Ito ay para magamot niya, ang noon ay lumalalang karamdaman sa mata ng kanyang ina. At sa kanyang pag-oopera dito ay tuluyang gumaling at nanumbalik ang kanyang paningin.

Ang Mga Nagdaang Babae Sa Buhay ni Rizal

Makulay ang buhay kabataan at pag-ibig ng ating pambansang bayani. Dahil sa kanyang angking katalinuhan at pagiging maginoo ay marami ang mga babae na sa kanya ay umibig at nabighani.

Si Segunda Katigbak ang kanyang naging unang pag-ibig. Isang dalagang Pilipina na taga-Lipa Batangas. Matagal silang magkasintahan at nagsuyuan ngunit hindi rin nagkatuluyan dahil naipangako na sa ibang lalaki si Segunda.

Si Josephine Bracken, ang babaeng kanyang nakasama noong siya ay ipiniit sa Dapitan. Sila ay nagsama bilang mag-asawa. Nagdalang tao si Josephine ngunit namatay din ang bata dahil ito ay kulang sa buwan. Lalaki ang bata kaya ito ay ipinangalan kay Rizal.

Mga Obrang Likha ni Jose Rizal

Halos nalibot ni Jose Rizal ang buong Europa at Asya. Sa katunayan ay natuto siya ng dalawampu’t dalawang uri ng wika mula sa mga bansang kanyang pinuntahan. Mahilig gumawa ng mga nobela at tula si Dr. Jose Rizal.

Ang tulang “Sa Aking Mga Kababata” ay isang patunay na mula sa kanyang murang kaisipan ay tunay siyang isang mamamayang makabayan. Dito niya sinulat ang mga katagang, “Ang hindi magmahal sa kanyang salita,ay mahigit sa hayop at malansang isda.”

Dalawa sa kanyang mga sinulat na nobela ang naging napakalaking kontribusyon sa asignatura ng mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay ang Noli Me Tangere, na ang ibig sabihin ay huwag mo akong salingin o huwag mo akong galawin. Ang isa naman ay ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman). Inalay niya ang El Filibusterismo sa mga tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora.

Ito ang mga pinakamangahas niyang nilimbag dahil na ipinagbabawal ito noong panahon ng mga Kastila. Layunin ng mga nobelang ito na gisingin ang damdamin ng sinumang Pilipino na makakabasa nito. Dito nakapaloob ang lahat ng mga pang-aapi at diskriminasyon na ginagawa ng mga Kastila.

Ang Pagtatag ng La Solidaridad

Mula sa kaniyang pagbabalik galing ng bansang Europa ay itinatag niya ang La Solidaridad. Isang organisasyon na ang layunin ay makamit ang kapayapaan at kalayaan sa kamay ng mga dayuhang Kastila sa isang tahimik na pamamaraan. Si Jose Rizal ang uri ng bayani na ayaw ng karahasan sa pagkamit ng kalayaan.

Hindi nagtagal ang La Solidaridad dahil sa iba’t –ibang pananaw ng mga kasapi nito. isa na rito ay si Andres Bonifacio na lumaon ay nagtatag ng katipunan. Naging mainit ang mata ng mga kastila kay Jose Rizal. Mula sa paglimbag ng mga subersibong babasahin ng patago siya ay dinakip at kinulong sa Real Fuerza de Santiago o mas kilala sa tawag na Fort Santiago ngayon.

Siya ay kinasuhan ng rebelyon, sedisyon at pakikipagsabwatan para ipataob ang pamamahala ng mga Kastila. Hinatulan siya na mamatay sa pamamagitan firing squad. Habang siya ay nasa piitan wala siyang sinayang na mga sandali.

Ginugol pa rin niya ang kanyang mga nalalabing oras sa paggawa ng isang tula na pinamagatang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam). Sinulat niya ito sa salitang Espanyol at isnalin ito sa wikang tagalog ni Andres Bonifacio.

Ang pamamaalam na tula niyang ito ay puno ng pasakit, panghihinayang at pag-asa. Hanggang sa kanyang huling hininga ay hindi siya nawalan ng pag-asa na darating ang panahon na ang kanyang mga sakripisyo sa bayan ay hindi mauuwi sa wala.

Bukod sa sedisyon, rebelyon at pakikipagsabwatan, si Jose Rizal ay inakusahan din na isang erehes. Noong panahon ng Kastila, erehes ang tawag sa mga taong hindi nagsisimba at nanampalataya sa simbahang katoliko.

Pagkamatay

Pinatay si Jose Rizal sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag nating Luneta Park, noong Desyembre 29,1896 sa oras ng alas siyete ng umaga. Hanggang sa huling sandalo ay ipinakita niya ang kanyang tapang dahil hiniling niya na barilin siya ng nakaharap ngunit hindi siya pinagbigyan, sa halip ay nakatalikod siya noong siya ay binaril.

Ang kanyang mga labi ay patagong inilibing ng kanyang kapatid na si Narcisa sa sementeryo ng Paco, Maynila. Ngunit hanngang ngayon ay wala pa rin makakapagsabi kung saan eksakto nakahimlay ang labi ni Jose Rizal.

Karagdagang Talambuhay

Works (Buod)