Talambuhay Ni Manuel L. Quezon

Si Manuel L. Quezon ay hindi lamang pangulo ng bansang Pilipinas. Siya rin ay dinadakila at tinaguriang isang bayani dahil sa kanyang kontribusyon upang makamit ng bansang Pilipinas ang kalayaan sa mga mananakop na Amerikano at Hapones.

Pagbibigay Pugay sa Kadakilaan

Bilang pagbibigay pugay sa kanyang mga kadakilaan ay ipinanglan sa kanya ang mga sumusunod:

  • Lalawigan ng Quezon kung saan siya ay ipinanganak.
  • Ang Manuel Luis Quezon University.(MLQU)
  • Ang Quezon Memorial Circle
  • Quezon Day, ang araw ng kanyang pagsilang ay ginawang walang pasok ng pamahalaan.
  • Ang pagseselebra ng Buwan ng Wika tuwing Agosto bilang pag-aalala sa kanyang kontribusyon sa pagkakaroon Tagalog bilang wikang pambansa.

Bukod pa dito ay may mga kalye at mga tulay sa iba’t-ibang lugar na ipinangalan din sa kanya. Ang pagbibigay ng pangalan sa Lungsod ng Quezon sa kalathang Maynila, at ang paglalagay ng kanyang mukha sa ating bente pesos na pera.

Buhay ng Ama ng Pambansang Wika

Isinilang sa distrito ng El Principe, lalawigan ng Aurora, si Manuel Luis Molina Quezon noong Agosto 19, 1878. Mula sa angkan ng mga Espanyol ang kanyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina. Pawa silang mga guro.

Napangasawa ni Quezon si Aurora Aragon na kanyang unang pinsan. Sila ay nabiyayaan ng apat na anak. At mula sa kanyang henerasyon ay naging miyembro pa ng kabinete ng rehimeng Benigno “Noynoy” Aquino ang kanyang apo sa tuhod na si Manuel L. Manolo Quezon III.

Kasalukuyang nag-aaral noon si Manuel sa Unibersidad ng Santo Tomas ng kursong abogasya nang sumiklab ang digmaang Pilipino laban sa mga Amerikano. Dahil dito ay napilitan siyang huminto sa pag-aaral at sumama kay Emilio Aguinaldo bilang ayuda-de-campo nito. Mula sa mababang ranggo ay naging Major ito ng sandatahan.

Nakulong si Quezon noong panahon ng mga Amerikano, at sa kalaunan ay nakalaya rin. Tinapos niya ang kanyang pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas, at siya ang naging pang-apat na puwesto sa eksamin ng pagka-abogasya noong taong 1903.

Mula sa pagiging isang sundalo ay pinasok niya ang larangan ng pulitika. Siya ay naging isang konsehal, gobernador, at senador ng Pilipinas. Nakipagmabutihan siya sa mga Amerikano dahil sa kanyang paniniwala na ito ang tanging paraan para makamit ng Pilipinas ang minimithing kalayaan.

Unang Presidente ng Bagong Komonwelt

Nagkaroon ng kauna-unahang halalang pambansa noong 1935 at si Quezon ang tinanghal bilang pangulo ng bagong Komonwelt ng Pilipinas. Bilang isang pangulo ay naging aktibo siya sa pakikipaglaban sa karapatan ng mg a mamayang Pilipino lalo na ng mga magsasaka.

Ipinaglaban din niya ang pagkakaroon ng karapatan ng mga kababaihan para makapag-boto sa panahon ng halalan at ito ay kanyang nakamtan. Ipinanukala rin niya ang pag-gamit ng Tagalog/Filipino bilang wikang pambansa. Dahil dito siya ay tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.

Si Manuel L. Quezon din ang kauna-unahang presidente ng senado ng Pilipinas na naging pangulo ng bansa. Siya rin ang nagtatag ng Partido Nacionalista sa Pilipinas. Ito ang partidong pampulitika na kinikilala na pinakamatanda hindi lamang sa Pilipinas kundi ay sa buong Timog Asya.

Nang sumiklab ang IkalawangDigmaang Pandaigdig (WWII), nilisan ni Quezon ang Pilipinas at siya ay pumunta ng Estados Unidos. Tinamaan siya ng sakit na tuberkulosis, na naging sanhi ng kanyang kamatayan noong siya ay 66 na taong gulang. Ang kanyang mga labi ay hinimlay sa North Cemetery sa Maynila at pagkatapos ay nilipat din ito sa loob ng monument sa Quezon Memorial Circle.

Karagdagang Talambuhay