Talambuhay Ni Nelson Mandela (Buod)

Si Nelson Rolihlahla Mandela ay isinilang noong Hulyo 18, 1918. Naging isa siyang abogado na nakapag-aral dahil sa kaniyang pagsusumikap. Nagtrabaho siya bilang security guard at isang real estate agent.

Binago ng kauna-unahang ‘black’ president ng South Africa ang takbo ng politika sa nasabing bansa. Si Mandela ay nanungkulan bilang pangulo ng South Africa noong mga taong 1994 hanggang 1999.

Isa sa mga tumatak na legasiya ni Mandela ay ang paglaban sa pagkakabukod ng mga residente ng South Africa ayon sa kanilang kulay ng balat.

Dahil sa napakagandang layunin para sa kanilang bansa, nakatanggap ng suporta si Mandela mula sa iba’t ibang bansa at tuluyang natalo ang diskriminasyon sa South Africa.

Siya rin ang naging mukha ng demokrasya sa bansa nila dahil sa pagkakapantay-pantay na pinasimulan niya.

Ngunit bago naisakatuparan ni Mandela ang malaking pagbabago sa kasaysayan ng mundo, hindi naging madali ang kinaharap niya. Noong 1962 ay naaresto at ikinulong si Mandela dahil sa paratang na nais daw niyang pabagsakin ang pamahalaan sa pamamagitan ng pananabutahe.

Habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol sa kaniya ngunit nakulong lamang siya sa loob ng 28 taon at nakalaya noong 1990. Tinagurian din si Mandela bilang ang most celebrated political prisoner sa kasaysayan ng daigdig.

Nang makalaya na, nakipagtulungan si Mandela sa pamumuno ni F.W. Klerk upang maumpisahan ang pagwaksi sa diskriminasyon. At hindi nga nila binigo ang mga mamamayan at naumpisahan ang mga hakbang upang maiwaksi ang apartheid.

Dahil sa magandang nasimulan bilang isang pinuno, naparangalan si Mandela ng Nobel Peace Prize noong 1993 dahil sa pagpapalaganap ng kapayapaan at paglaban sa diskriminasyon sa kaniyang bansa na naging inspirasyon din sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bilang pagkilala at pasasalamat din ng buong South Africa sa nagawa ni Mandela, tinagurian siya bilang Uniting Force of South Africa at naging Father of Nation din.

Noong 2012, pumanaw si Mandela sa South Africa sa edad na 95 dahil sa gallstones.


Sadyang malawak at makabuluhan ang kasaysayan ng mga iba't-ibang tao dito sa mundo. Sana ay nagustohan ninyo ang aming inulat na Talambuhay Ni Nelson Mandela (Buod). Ito ay isang original na gawa ng Panitikan.com.ph. Kung nais pa po ninyong matuto tungkol sa buhay ng mga kilalang tao, mamili lang sa listahan sa ibaba. Maraming salamat po!