Talambuhay ni William Shakespeare (Buod)

Talambuhay ni William ShakespeareSino si William Shakespeare? Isa sa mga dinadakilang manunulat si William Shakespeare. Wala umanong makapagpatuany ng kaarawan niya ngunit isang lumang tala mula sa Holy Trinity Chruch ang nasasabing isinilang siya noong Abril 26, 1564.

Umibig si Shakespeare at ikinasal kay Anne Hathaway noong siya ay 18 anyos pa lamang. Si Hathaway ay sinasabing 26 anyos na noon.

Nagkaroon sila ng anak anim na buwan matapos ang kanilang kasal. Nasundan pa ito ng isang kambal na pinangalanang sina Hamnet at Judith ngunit pumanaw si Hamnet noong edad 11 sa hindi natukoy na dahilan.

Napantyag si Shakespeare dahil sa mga likha niya ring dula, trahedya, at kuwentong romansa. Noong 1600s ay ang masasabing panahon kung saan naging tanyag nang husto si Shakespeare.

Sa dekadang ito ay naisulat niya ang mga dinadakilang trahedya tulad ng Hamlet, Othello, Macbeth, at King Lear. Naging tanyag ang mga ito dahil ito raw ay tunay na sumasalamin sa pag-uugali ng mga tao noong panahong iyon.

Ngunit ang masasabing pinakamalaking likha ni Shakespeare ay ang trahedya at romance na Romeo and Juliet. Tungkol ito sa masalimuot na pag-iibigan nina Romeo at Juliet, kasabay ang pagtalakay sa mga napapanahong isyu tuladng karahasan, pagkamatay, at pag-ibig.

Noong Abril 23, 1616, sa edad na 51 ay pumanaw si Shakespeare na isa pa ring misteryo kung anong sanhi magpasahanggang ngayon.


Sadyang malawak at makabuluhan ang kasaysayan ng mga iba't-ibang tao dito sa mundo. Sana ay nagustohan ninyo ang aming inulat na Talambuhay ni William Shakespeare (Buod). Ito ay isang original na gawa ng Panitikan.com.ph. Kung nais pa po ninyong matuto tungkol sa buhay ng mga kilalang tao, mamili lang sa listahan sa ibaba. Maraming salamat po!