Talatang nagsasalaysay tungkol sa nadaluhang kaarawan?

Katanungan Sagot

Katanungan

talatang nagsasalaysay tungkol sa nadaluhang kaarawan?

Sagot verified answer sagot

Talatang nagsasalaysay tungkol sa nadaluhang kaarawanAng nadaluhan kong kaarawan ng aking matalik na kaibigan ay ang isa sa pinakamasayang napuntahan ko. Bukod kasi sa masaya ang aking kaibigan dahil sa kaniyang maraming handa at magandang regalo sa kaniya ng kaniyang mga magulang, nakadalo rin ang buong klase naming kasama ang class adviser.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkaroon ng bonding sa labas ng klasrum namin. Ito na yata ang pinakamasayang bahagi ng aming bonding sa buong taon na kami ay magkakasama.

Nakapag-videoke kami, nakapagkuwentuhan, at nagkaroon ng pagkakataon na makahinga mula sa napakaraming bagay na ipinagagawa sa amin sa paaralan. Ito talaga ang pinakamasayang kaarawang nadaluhan ko.