Talumpati Tungkol Sa Buhay Estudyante Sa Highschool

Mayroong pamosong awit ang Megastar na si Sharon Cuneta patungkol sa buhay sa haiskul. Sabi ng awit, “high school life, oh my high school life… Every memory kay ganda…”

Madalas na rin naman nating marinig ang katagang ito mula sa mga nakatatanda, na pinakamasaya raw sa buhay ng mag-aaral ang haiskul. Ngunit ang pinakamahalagang tanong, bakit nga ba da best ang haiskul?

Kung titingnan siguro nang mas malalim, kaya naman masaya ang high school dahil ito ang panahon ng pagtuklas nang maraming bagay.

Ito kasi ang masasabi mong panahon kung saan unti-unti ka nang tinatakasan ng kamusmusan habang unti-unti mo namang tinatahak ang yugto ng iyong pagiging isang ganap na nasa gulang na.

Ito ang panahon na nakikita mo ang iyong bagwis bilang isang paruparo mula sa pagiging simpleng nilalang na hindi makalipad noon.

Natutuklasan mo na ang iba pang bagay na bubuo ng iyong pagkatao tulad ng pagmamahal, pagiging responsable, pagtuklas sa iyong mga kakayahan, at pagiging buo ng loob sa tatahaking landas at hanapbuhay.

Sa haiskul nagtatagpo ang ikaw na musmos ngunit maraming pangarap, at ang ikaw na unti-unting naabot ang mga ito at nagkakakulay bawat hakbang. Ito na marahil ang pinakamalaking paliwanag kung bakit pinakamasaya ang buhay sa haiskul.


Ang original na Talumpati Tungkol Sa Buhay Estudyante Sa Highschool na ito ay hatid sainyo ng Panitikan.com.ph. Kung nagustuhan po ninyo ito, maaaring i-share ninyo para mas madami pa ang makabasa. Itaguyod natin ang gawang Pinoy! Maraming salamat po! :)