Talumpati Tungkol Sa Novel Coronavirus

Sanay na ang buong mundo sa mga produktong mula sa bansang China. Ngunit ngayong taon, hindi produkto ang nalikha at unti-unting naipalaganap ng bansa sa daigdig—kung hindi isang uri ng nakamamatay na sakit.

Nagmula ang Novel Coronavirus (2019- nCoV) sa lalawigan ng Hubei sa China. Sinasabing ang virus na ito ay nagmula sa pagkain ng mga Tsino ng iba’t ibang klase ng exotic animals katulad ng mga paniki.

Patuloy na pinipinsala ng nCoV ang kalusugan ng ilang apektado sa China at nasa 800 na ang naiulat na nasawi.

May mga kaso na rin ng nCoV sa iba’t ibang bansa sa mundo tulad ng Australia, Japan, Canada, UAE, Malaysia, Vietnam, South Korea, France, at maging ang Pilipinas. Dahil sa patuloy na pagkalat ng virus, nagdulot ito ng takot sa iba’t ibang bansa.

Ipinatutupad ngayon ang travel ban patungo at mula sa China upang hindi na kumalat pa ang virus. Mahigpit din ang seguridad sa mga paliparan upang masigurong walang may dala ng virus na makapapasok.

Pinipinsala ng nCoV ang immune system ng isang tao at nagdudulot ng sakit tulad ng lagnat, pag-ubo, sipon, hirap sa paghinga, na kalaunan ay nauuwi sa kamatayan. Patuloy na humahanap ng lunas ang mga eksperto para sa nasabing sakit na patuloy na yumayanig sa daigdig.


Ang original na Talumpati Tungkol Sa Novel Coronavirus na ito ay hatid sainyo ng Panitikan.com.ph. Kung nagustuhan po ninyo ito, maaaring i-share ninyo para mas madami pa ang makabasa. Itaguyod natin ang gawang Pinoy! Maraming salamat po! :)