Talumpati Tungkol Sa War On Drugs

Ang isyu tungkol sa war on drugs ay isang pambansang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan at ng madlang bayan.

Karamihan sa mga nangyayaring krimen sa lipunan ay mayroong kinalaman sa ipinagbabawal na gamot. Mula sa simpling pagnanakaw hanggang sa mga karumal-dumal na krimen, kadalasan ay droga ang pinag-uugatan.

Ang mga nasasangkot na mga suspek at biktima ay pabata ng pabata, at ang pinakamasaklap dito ay ang mga inosenteng tao na nadadamay at namamatay sa mga engkwentrong nagaganap.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang kasalukuyang pamahalaan ay napaka- agresibo sa pagsugpo sa mga taong nasasangkot sa iligal na droga. Bilang patunay dito ay ang marami at tumataas pa na bilang ng mga sibilyan at pulis na mamatay dahil sa war on drugs.

Nakakalungkot at nakakatakot na isipin na sa kabila ng lahat ng pagpupursige ng pamahalaan ay talamak pa rin ang kalakalan ng iligal na droga.

Sadyang mahirap putulin ang ugat ng suliranin sa iligal droga dahil ang karamihan sa mga sangkot dito ay nasa loob mismo ng burukrasya. Ang mga taong inaasahang tagapagpatupad ng batas ay sila rin mismong lumalabag nito.

Malaki ang halaga ng pera na nakataya sa kalakalan ng droga. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nakakalimot sa kanilang mga sinumpaang tungkulin sa bayan.

Ang war on drugs ay hindi kayang isakatuparan ng mga iilan sa hanay ng pamahalaan. Ang pakikipagtulungan ng mga sibilyan ay napakahalaga upang ang suliraning ito ay maibsan kahit konti.

Ang pagsuplong at hindi pagkunsinti sa mga taong mayroong kinalaman tungkol sa iligal na droga ay napakalaking tulong na sa bayan.

Alalahanin ninyo, na ang mga lango sa droga ay walang pinipiling biktima.

Lahat ay puwedeng maging biktima ng krimen na bunga sa pagbatak ng droga. Ang lahat ay mayroong obligasyong tumulong at makialam sa kampanya ng pamahalaan sa War on Drugs.


Ang original na Talumpati Tungkol Sa War On Drugs na ito ay hatid sainyo ng Panitikan.com.ph. Kung nagustuhan po ninyo ito, maaaring i-share ninyo para mas madami pa ang makabasa. Itaguyod natin ang gawang Pinoy! Maraming salamat po! :)