Tatlong elemento ng kabutihang panlahat?

Katanungan Sagot

Katanungan

tatlong elemento ng kabutihang panlahat?

Sagot verified answer sagot

Ang tatlong elementong bumubuo sa kabutihang panlahat ay ang paggalang ng tao sa indibidwal, panlipunang kapakanan ng mga grupo o pangkat, at ang kapayapaan.

Ang kabutihang panlahat ay ang unang layunin ng mga taong kasapi ng isang lipunan. Ito ay dapat na may paggalang sa indibidwal na tao o ang pagpapahalaga sa mga karapatan ng isang indibidwal sa isang lipunan.

Ito rin ay dapat na nagpapanatili ng kapakanang panlipunan kung saan ang pamamalakad ng isang namumuno ay dapat na kapaki-pakinabang upang mapangalagaan ng buong husay ang kanyang nasasakupan.

At ang kabutihang panlahat ay marapat na nagpapanatili ng kapayapaan sa lipunan upang maiwasan ang kaguluhan at maging makatarungan ang paggalang ng mga tao sa kanilang kapwa.