Katanungan
tawag sa ipinagkaloob na lupa sa vassal?
Sagot
Fief ang tawag sa ipinagkaloob na lupa sa vassal. Nakilala ang sistemang pyudalismo sa kasaysayan na kung saan ang mga maharlikang nagmamay-ari ng lupa ay nagtataglay ng karapatan na ipasaka ang mga ito sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pananakop na may kakayahang makapaglingkod ng tapat.
Ang lipunan sa panahong ito ay nahahati sa tatlo, ang mga mayayamang tao ay tinatawag na noble o dugong bughaw, lord naman ang mga taong nagmamay-ari ng lupa.
Samantala, ang taong binibigyan ng kakayahan na magsaka ng lupa mula sa lord ay tinatawag na vassal. Ang pagbibigay ng karapatan sa mga vassal na makapagsaka ay nakasailalim sa oath of fealty.