Katanungan
tawag sa magandang lokasyon ng pilipinas kaya naging tagpuan ito ng kulturang kanluranin at silangan?
Sagot
Ang tawag sa magandang lokasyon ng Pilipinas kaya naging tagpuan ito ng kulturang kanluranin at silangan ay estratehiko.
Ang bansang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa yamang likas. Ito ay pinaniniwalaang may estratehikong lokasyon sapagkat napaliligiran ito ng mga bansang popular o kabilang sa mga binansagang Major Trade Countries na siyang nakapag-aangkat ng maraming bilang ng mga produkto sa bansa.
Kung kaya naman, ang lokasyong ito rin ang nagsisilbing tagpuan ng kanluranin at silangang kultura dahil ito ay nakikipagkalakan o nakikipagpalitan sa mga bansang kinabibilangan ng mga kulturang nabanggit.
Sinasabing, ang pagkakaroon din ng lokasyong maganda ang nag-uugat upang makamtan ang mga magagandang serbisyo para sa bansa.