Tawag sa pinuno ng pamayanan ng Mayan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

tawag sa pinuno ng pamayanan ng mayan?

Sagot verified answer sagot

Halach uinic o Halach uinik ang tawag sa mga pinunong namamahala sa mga lungsod estado ng kabihasnang Mayan. Sila ay sinasabing inihalal sa pwesto sa ngalan ng mga diyos na kanilang sinasamba.

Kaya naman nakasunod sa panrelihiyong paniniwala nila ang mga alituntunin at batas na kanilang ipinapatupad. Isang salitang Mayan ang halach uinic na literal na nangangahulugang panginoon o pinuno sa ating wika.

Ang kapangyarihan ng isang halach uinic ay maaari lamang niyang ipasa sa kanyang direktang kadugo. Maaaring ito ay ang kanyang tatay o anak. Malaki ang kanilang impluwensya sa lupain na kanilang sinasakupan. Ang lahat ng mga tao ay sumusunod sa kanila.