Katanungan
Tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas?
Sagot
Ang tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas ay ang Pangaea. Sinasabing ang Pangaea ay ang nag-iisang kontinente sa mundo noong panahon ng Paleozoic at Mesozoic.
Ayon sa siyentipiko at German professor na si Alfred Wegener, ang Pangaea ay tila isang malaking jigsaw puzzle kung saan magkakarugtong ang mga kontinente noon.
Dahil daw sa paggalaw ng kalupaan dahil sa labis na pag-init ng ilalim ng lupa, nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang paggalaw ng lupa ay nagresulta rin ng pagkakabuo ng iba’t ibang pulo kabilang na ang pagkakabuo sa mga pulong sakop ng Pilipinas. Ang paggalaw na ito ay tinatawag na continental drift theory.