Teorya ng Bulkanismo

Teorya ng BulkanismoIto ay isang teoryang nagpapaliwanag sa maaaring pinagmulan ng mga bansa. Ayon sa teroya ng bulkanismo, ang isang bansa ay nabuo sa pamamagitan ng pagsabog ng mga bulkan mula sa Dagat Pasipiko. Ang teoryang ito ay binuo ni Bailey Wills.

Dahil sa pagsabog na ginawa ng mga bulkan, nabuo ang mga pulo dahil sa inilabas na bato, buhangin, at putik ng bulkan sa paligid ng Pacific Basin noong panahon ng Tertiary.

Dahil daw sa pagsabog, nabiyak at lumitaw ang mga batong nakalagay at nakahanay sa ilalim ng dagat. Ilang panahon ang lumipas at ang mga batong ito ay tuluyan nang tumigas na naging kapuluan na kinatitirikan natin ngayon.

bulkanismo ipaliwanagIsa pa raw patunay sa teoryang ito ay nakapaligid na Pacific Ring of Fire o ang rehiyon sa mundo kung saan mapanganib ang mga lindol na kadalasan ay dulot ng aktibidad ng isang bulkan.

Ayon pa kay James Hutton, ang mga materyales na ibinubuga ng ilang bulkan sa Bicol, Mindoro, at Mindanao ay hawig umano sa sinasabing materyal na naging dahilan ng pagkakabuo ng mga isla ayon sa teorya ng bulkanismo.

Ang isang bulkan ay isang anyong lupa na mayroong kakayahang magbuga ng putik na may apoy kapag ito ay aktibo.