Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng timog silangang Asya?

Katanungan

Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang pilipinas ng timog silangang asya?

Sagot verified answer sagot

Ang Teorya ng Continental Drift ay ang teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog Silangang Asya.

Mayroong iba’t ibang teorya na nagsasaad ng pinagmulan ng bansang Pilipinas. Isa na sa mga ito ang teorya ng Continental Drift na ipinakilala ni Alfred Wegener.

Ayon sa kanya, ang iba’t ibang kontinente na mayroon ang mundo ay nabuo ng magkakasama subalit nahati-hati dahil na rin sa teorya ng Plate Tectonics na kung saan ipinaliwanag na ang paggalaw ng iba’t ibang platong tektonik o tectonic plates ang nagbunsod upang magkahiwa-wilay ang mga ito.

Ang pagsisiyasat na ito ay sinasabing napatutunayan sa hugis ng mga kontinente ng kung pagsasama-samahin ay tila makabubuo ng isang jigsaw puzzle.