Terminong ginagamit sa pagbabahagi ng mga post sa social media?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

terminong ginagamit sa pagbabahagi ng mga post sa social media?

Sagot verified answer sagot

Share ang terminong ginagamit sa pagbabahagi ng mga post sa social media. Ang social media ay ang masistemang ugnayang nabubuo sa pagitan ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang lugar, edad, o pagkakataon sa tulong ng teknolohiya.

Ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang plataporma gaya ng facebook, Instagram, Twitter, at iba pa na nakatutulong sa bawat tao sa usaping komunikasyon, akademiko, at gayundin sa personal na bagay.

Bukod sa ito ay maaaring pagpaskilan ng mga impormasyon, ang mga tao ay maaari ring mamahagi ng ibat ibang kaalaman mula sa mga kilalang indibidwal, mahuhusay na mga tao, at maging ang maimpluwensiyang indibidwal sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang post o tinatawag na share.