Ito ay kuwento ng isang binatang nagkaroon ng inspirasyon dahil sa paghahamak sa kanila. Si Andres ay mula sa isang mahirap na pamilya.
Ang kaniyang ama ay nagtatrabaho sa isang hacienda. Isang araw, isinama si Andres ng kaniyang ama sa hacienda dahil mayroong pista.
Mabait naman ang among lalaki ng ama ni Andres ngunit dumating ang mapagmataas na asawa nito. Hinamak si Andres at kaniyang ama na noon ay nakikian sa pista. Tinawag sila ng donya na timawa.
Hindi naunawaan ng batang si Andres ang salitang iyon. Ngunit ipinaliwanag ito ng ama ni Andres sa kaniya. Nang mabatid niya ang kahulugan nito, naging inspirasyon ito sa kaniya upang maging mabuti sa kaniyang pag-aaral at makaahon sa buhay.
Nagtrabaho si Andres sa Amerika bilang tagahugas ng plato sa isang dormitoryo. Kasama niya rito ang mga kaibigang sina Alice at Billy. Napagkuwentuhan nila ang kanilang mga buhay kaya nalaman nila ng kuwento ni Andres.
Sa kaniyang pagsusumikap, nakamit ni Andres ang kaniyang matagal nang pangarap. Nakpagtapos si Andres ng kurso sa intermedya.
Lahat ng pagsasakripisyo niya at ng kaniyang ama ay nagbunga na. Gayunman, yumao na rin ang kaniyang ama. Masaya pa rin naman si Andres sa sinapit nila dahil may narating na ngayon ang tinatawag niyang timawa.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Timawa. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!