Tinaguriang ama ng kasaysayan?

Katanungan

tinaguriang ama ng kasaysayan?

Sagot verified answer sagot

Si Herodotus ang tinaguriang ama ng kasaysayan. Si Herodotus na mula sa Halicarnassus ay isang Griyegong mananalaysay na nabuhay noong 5 dantaong BC.

Ayon kay Cicero, isang abogado, pilosopo, politico, at konsul na nagmula sa Romano, yiya ang tinaguriang ama ng kasaysayan sapagkat siya ang kauna-unahang mananalaysay ng mga bagay na patungkol sa buong mundo.

Ilan sa mga akda niya na nakilala ng lahat ay ang The Histories na kung saan isinalaysay niya ang pag-usbong at paglawak ng isang imperyo na tinatawag na Persian. Ang pamamaraan ng pagsulat ni Herodotus ay pinaniniwalaang hango sa pamamaraan ng pagsulat ni Homer.