Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?

Katanungan

tinawag na minoan ang unang kabihasnang nabuo sa crete. ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. ano ang pangunahing dahilan nito?

Sagot verified answer sagot

Sa Isla ng Crete na matatagpuan malapit sa ngayon ay lupang nasasakupan na ng bansang Gresya sa may kontinenteng Europa, ang kauna-unahang kabihasnan na naitatag ay ang kabihasnang Minoan.

Dahil napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito, gayon na lamang at lumago ang sibilisasyon sa pakikipagkalakalan.

Ang magandang istratehiya ng kanilang lokasyon ang nagpalakas at nagpayaman sa kabihasnan. Napadali ang kanilang pakikipagkalakalan sa ibang bansa.

Naging madali ang pagdating at paglabas ng mga produkto at serbisyo. Naging depensa rin nila ang tubig bagamat nahirapan at hindi nagtagumpay ang ibang mga mananakop na tuluyang angkinin ang kanilang lupa.