Tingnan ang mga larawan anong ideya mo sa mga ito ano ang iyong paboritong istasyon sa radyo?

Katanungan

tingnan ang mga larawan anong ideya mo sa mga ito ano ang iyong paboritong istasyon sa radyo?

Sagot verified answer sagot

Ang ideyang mabubuo sa larawan ay ang radio ay isang mahalagang gamit na nakatutulong upang mabatid ang mga kaganapan sa ating kapaligiran.

Mahalaga ang gampanin nito higit na lalo sa oras ng sakuna dahil kung mawawalan ng suplay ng kuryente dulot ng masamang panahon o kalamidad, ang radio ay ang isa sa mabisang kagamitan upang maipabatid ang mahalagang impormasyon sa mga mamamayan.

Gayundin, ang radyo ay nakatutulong upang malibang ang mga mamamayan. Samantala, ang radio ay mayroong iba’t ibang istasyon, ang isa sa mga paborito ko rito ay ang Wish FM 107.5 sapagkat mapakikinggan ko rito ang iba’t ibang awiting aking kinahihiligan.