Tinutugunan ng ama ang pangangailangan ng pamilya

Katanungan Sagot

Katanungan

Tinutugunan ng ama ang pangangailangan ng pamilya. Tama o mali?

Sagot verified answer sagot

Tinutugunan ng ama ang pangangailangan ng pamilyaTinutugunan ng ama ang pangangailangan ng pamilya. Ang pahayag na ito ay TAMA. Tama dahil ang ama ay ang isa sa mga pundasyon ng pamilya.

Katuwang ng ina, mayroon siyang responsibilidad na tugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ang mga pangangailangang ito ay kinabibilangan ng mga pagkain, damit, maayos na tahanan, at edukasyon ng mga anak o mga bata sa pamilya.

Matutugunan ito ng isang ama sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Ang paghahanapbuhay ng isang ama ay hindi lamang para sa kaniyang sarili ngunit para na rin sa kaniyang buong mag-anak. Ang isang responsableng ama ay kayang isakripsiyo ang kaniyang sariling kaligayahan para sa kaniyang pamilya.