Tinuturing na dapat payapa at matiwasay?

Katanungan Sagot

Katanungan

tinuturing na dapat payapa at matiwasay?

Sagot verified answer sagot

Itinuturing dapat na mapayapa ang pamayanan o ang lipunan. Ang pagpapanatili ng kapayapaan at katiwasayan sa pamayanan ay mahalaga dahil dito makikita ang kaayusan ng mga nakatira rito.

Repleksyon din ito kung gaano ka-sibilisado ang mga tao mula sa lipunan at matutukoy kung may respeto ba sila sa lipunan.

Ang pamayanan ay ang nagsisilbing tahanan ng mamamayan para sa maayos na sibilisasyon at magkaroon ng pakiramdam na sila ay nauukol para rito.

Isa rin itong komunidad na inuugnay ang mga tao na may iisang adhikain, relihiyon, nasyonalidad, o pagka-kilanlan. Binubuo rin ng pamayanan ang mga tao na tumira doon upang maghanap ng pang-ekonomikal na pangangailangan at matugunan ito.