Saludo kay Supremo
Isang pagsaludo para sa pinuno ng Katipunan,
sa isang Pilipinong larawan at simbolo ng katapangan.
Ipinaglaban ang inaasam na kasarinlan,
kahit buhay ay itataya sa para sa minamahal na bayan.
Isang pagsaludo para sa Ama ng Himagsikan,
sa isang bayaning walang labang inurungan.
Kahit na hinamak at sinabing walang pinag-aralan,
patuloy na nanindigan at hindi pinanghinaan.
Isang pagsaludo para kay Supremo,
ayon sa ibang historyador ikaw dapat ang unang pangulo.
Ngunit kahit ano ang naganap sa iyo ni Aguinaldo,
naging huwaran ka pa rin sa mga Pilipino.
Isang pagsaludo para kay Andres Bonifacio,
ikaw ay matapang na bayaning totoo.
Ikinirarangal ka saan mang sulok ng Pilipinas,
ang iyong ambag sa kasaysayan kailanman di kukupas.
Kahulugan at Paliwanag
Ang tula ay tungkol kay Andres Bonifacio na isang bayaning Pilipino. Siya kasi ang ama ng himagsikan dahil sa pagtataga ng samahang KKK upang labanan ang mga mananakop.
Umiikot ang tula tungkol sa kaniyang mga pakikipagsapalaran at ang patuloy na paghangang ibinibigay ng mga Pilipino dahil sa kaniyang husay at pagmamahal sa bayan.