Tula Tungkol Sa Ina

Ang Aking Tanglawhalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Sa buhay na ito ay may isang bigay ang Maykapal,
na ang kabutihan ko ang lagi niyang ipinagdarasal.
Dinala ako ng siyam na buwan sa sinapupunan,
at aarugain hanggang sa kaniyang makakayanan.

Siya ang aking unang guro, nagturo ng mga aral,
hindi rin siya nagkukulang ng sermo’t mga pangaral.
Madalas galit rason ng aking mga pag-atungal,
ngunit ramdam mo rin ang kanyang wagas na pagmamahal.


Buo ang suporta niya sa anumang gawin ko,
hangad niya ang lahat ng kaligayahang mayroon sa mundo.
Mula sa walang humpay na aruga at asikaso,
kahit ang paborito kong ulam at kanyang iluluto.

Ang buhay ay nagkaroon ng liwanag dahil sa iyo,
ikaw ang dahilan ng aking mga tagumpay at pagkatuto.
Sa iyo naramdaman ang pagmamahal na totoo,
Aking ina, ikaw ang tanglaw ng mundo ko.

Kahulugan at Paliwanag

Sinasaad ng tula ang pagmamahal ng isang ina na nagsisilbing gabay at liwanag sa buhay ng kaniyang anak. Ang pag-ibig na bigay ng isang ina ay mahalaga sa pagbuo ng pagkatao ng isinilang niya.

Ito rin ang dahilan kung bakit ilaw ng tahanan ang tawag sa mga ina. Dahil sila ang tanglaw sa maraming gawain ng anak mula sa unang hininga nito.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Ina ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)