Walang Laman
Isang Ina ang naririnig na malungkot, humihiyaw,
sa kaniyang mga anak na tila raw parang halimaw.
Bulalas nito, masama ang loob niya sa pagpapabaya,
sa hindi pagpapahalaga sa kaniyang mga biyaya.
Nakita niya ang mga tubig na dati’y asul ay itim na,
parang wala nang mahuling lamang-dagat na sariwa.
Bilang kabayaran ay hirap na rin sa makukuhanan ng tubig,
ngayon ay uhaw sila at natutuyo na ang kanilang daigdig.
Wala na rin ang kulay luntiang dulot ng mga puno at halaman,
mga hayop na walang malay ay wala nang matirahan.
Pati hangi’y maitim na dahil sa mga pabrika at pagpapausok,
ang paglanghap ay masama na sa kalusugan at tiyak na pagsubok.
Sigaw ng isang Ina, sana naman ay ating pahalagahan,
mga biyayang bigay niya, magmahal tayo sa ating kalikasan.
Panitilihang masigla, laging buhayin ang kalinisan,
upang mas maging maliwanag at masigla ang ating kinabukasan.
Kahulugan at Paliwanag
Isang pagsubok para sa ating mga mamamayan ang panatilihin ang malinis na kapaligiran. Kaya naman sa tula, tila nagsasalita na ang Inang Kalikasan dahil sa ating kapabayaan.
Sinasabi niyang lagi dapat nating panatilihing malinis at masigla ang biyaya ng kalikasan. Ito rin kasi ang magpapanatili ng bawat buhay na mayroon sa daigdig.