Tula Tungkol Sa Karapatan Ng Bata

Ikaw ay may Karapatan, Bata!halimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Bata ikaw ay may karapatan sa edukasyon,
pumasok sa paaralan at matuto ng leksiyon.
Daan ito para sa magandang kinabukasan,
ikaw ang magsisilbing pag-asa ng ating bayan.

Bata ikaw ay may karapatang maglibang,
sa iyong paglalaro ay walang dapat humarang.
Kailangan mong sa iba ay makisalamuha,
sa mga kaibiga’t kalaro’y makipagpalitan ng tawa.


Bata ikaw ay may karapatang maging malusog,
sa wastong nutrisyon ikaw ay dapat mabusog.
Ika’y dapat hinahandaan ng mga prutas at gulay,
para sa talino at siglang walang kapantay.

Bata ikaw ay may karapatang mabuhay,
sa iyong paglaki ikaw ay dapat mayroong gabay.
Nararapat na mabuhay nang tahimik at mapayapa,
tingin sa iyo ng lipunan ay isang malaking biyaya.

Kahulugan at Paliwanag

Ang tula ay tungkol sa karapatan ng isang bata na dapat niyang matamasa. Kabilang dito ang edukasyon, paglilibang, pagkain nang wasto, at ang karapatang mabuhay.

Ito dapat ang prayoridad ng kanilang magulang at pamayanan upang lumaki silang mabuti at kapakipakinabang.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Karapatan Ng Bata ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)