Tula Tungkol sa Kontemporaryong Isyu

Mga Usaping Trending Ngayonhalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Trending ngayon ang tungkol sa politika,
ang girian ng mga pumupuna at mga sumusuporta.
Laging patok mga usaping tungkol sa mga opisyal,
ponding nasaan at sa mga pasyang parang hangal.

Trending ngayon ang tungkol sa ekonomiya,
utang ng Pilipinas, lumolobo na nga bang talaga?
Gaano na ba karami ang mga walang trabaho?
sasabayan pa ng kaliwa’t kanang taas ng persyo.


Trending ngayon tungkol pandemya,
kailan ba kasi makahananap ng lunas o bakuna?
Gusto na ng marami ang bumalik sa buhay na normal,
sana naman itong lockdown ay hindi na rin magtagal.

Trending ngayon ang mga kontemporaryong isyu,
mga usaping may interes ka at nagpapalabas ng opinyon mo.
Huwag lamang basta umalam ng mga napapanahong balita,
kumilos ka rin at pag-isipan kung ano ang tama.

Kahulugan at Paliwanag

Tula Tungkol sa Kontemporaryong IsyuAng tula ay tungkol sa mga kontemporaryong isyu. Sa salitang millennial kasi, ito ay ang mga balitang trending o laging pinag-uusapang mahalagang isyu ng bayan.

Sa panahon ngayon, umiikot sa politika, ekonomiya, at pandemya ang mga pangunahing kontemporaryong isyu na kinahaharap ng mundo. Ito ang mga usaping trending na kailan ng opinyon at pagkilos mo.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol sa Kontemporaryong Isyu ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)