Tula Tungkol Sa Pag-ibig Na Sawi

Babalik-balikanhalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Ikaw pa rin sa kabila ng lahat ng sakit,
kahit nauwi ang pag-ibig sa wagas na pagluha.
Ang tamis ngayon ay napalitan na ng pait,
kahit nawasak ang mundo at di ko na alam ang saya.

Wagas ang aking pagtingin dahil akala ko’y ikaw na,
ngunit sadyang may mga bagay yatang di itinadhana.
Sa dami ng bituin sa kalawakang tila walang hanggan,
hindi yata ikaw ang tala na sa akin ay nakalaan.


Ngayon ay nais ko nang makalimot sa mga alaala,
gusto nang ibaon sa limot ang lahat ng nagdaan.
Ngunit sa bawat bagay ikaw ang aking tanging nakikita,
may larawan mo sa bawat lugar na aking puntahan.

Batid kong walang ibang daan kung hindi ang magpaalam,
ngunit alam ko ring sa mundong ito’y katulad mo ay wala.
Ipagpasa-Diyos ang tunay na pag-ibig kong inaasam,
pero sa ngayon sigaw ko ay ang unang taludtod pa rin nitong tula.

Kahulugan at Paliwanag

Ang tulang ito ay salamin ng tunay na pag-ibig ng isang taong nabigo. Kapag dumaan sa masalimuot na paghihiwalay ang dalawang nagmamahalan, lalo na’t ito ay ang inakala mong panghabangbuhay na, mahirap talagang makalimot.

Daraan ang tamang panahon para sa paglimot na inaasam, kasabay ang tunay at wagas na pag-ibig na sa isang tao ay nakalaan.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Pag-ibig Na Sawi ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)